Mga Madalas na Katanungan
Mga Isyu Ukol sa COVID-19
1. Maari ba akong matanggal sa aking trabaho kung hindi ako makapagtrabaho dahil sa Covid 19?
Hindi. Kapag ang employer mo ay nagpasyang tanggalin ka sa trabaho dahil sa pagkakaroon ng Covid-19, maaari kang magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng anumang tulong.
2. Kinuha ng aking employer ang aking pasaporte at itinago. Ano ang dapat kong gawin?
Hindi maaaring itago ng iyong employer ang iyong pasaporte. Dapat kang magsampa agad ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng anumang tulong
3. Hindi ko sigurado kung na-renew o hindi ang aking visa sa trabaho dahil nasa employer ko ang aking pasaporte. Ano ang dapat kong gawin?
Dapat ay bigyan ka ng iyong employer ng detalye sa katayuan ng iyong work visa sa iyong kahilingan. Hindi maaaring hindi ibigay ng iyong employer ang iyong pasaporte. Dapat kang magsampa agad ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng anumang tulong.
4. Sinabi ng aking employer na wala silang trabahong maibibigay sa akin at sinabing magtrabaho na lang ako sa ibang kumpanya. Ano ang dapat kong gawin?.
Hindi maaaring ilipat ng iyong employer ang iyong kontrata sa ibang kumpanya kung wala kang pahintulot. Maaari kang magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag- ugnayan sa amin kung kailangan mo ng anumang tulong.
5. Anong mangyayari kapag pansamantalang isinara ng aking employer ang kanyang negosyo (hal. guesthouse)?
May karapatan ka pa rin sa iyong buwanang suweldo at iba pang mga benepisyo ayon sa inyong kasunduan sa trabaho hanggang ikaw ay nagtatrabaho. Kapag hindi naibigay ang mga ito ng iyong employer, maaari kang magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag- ugnayan sa amin kung kailangan mo ng anumang tulong.
6. Maaari bang hilingin sa iyo na gamitin ang iyong bakasyon ng walang bayad?
Hindi ka maaaring pilitin na gamitin ang iyong bakasyon ng walang bayad. Kung ito ay mangyari, maaari kang magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag- ugnayan sa amin kung kailangan mo ng anumang tulong
7. Ako ay pinapapirma ng aking employer sa isang liham na nagsasaad na pumapayag ako sa walang bayad na bakasyon. Kailangan ko ba itong pirmahan?
Hindi mo kailangang pumirma sa nabanggit na liham o sa ano pa mang katulad na kasulatan . Kung pinipilit ka ng iyong employer na pumirma sa sinasabing dokumento, maaari kang magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority at https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng anumang tulong.
Sahod
8. Maaari bang bawasan ng aking employer ang aking suweldo?
Oo, maaaring bawasan ang iyong suweldo ng iyong employer, pero anumang kabawasan ay dahil lamang sa hindi pagtatrabaho sa oras ng iyong trabaho. Kung may ibang kabawasan na hindi dahil sa dahilang nabanggit, maaari kang magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng anumang tulong.
9. Hindi ako nakatanggap ng suweldo, allowance o service charge. Ano ang maaari kong gawin?
Maliban sa mga hindi permanenteng empleyado, lahat ng iba pang empleyado ay dapat na bayaran ng hindi bababa sa isang buwanang batayan. Sa pangkalahatan, ang mga hindi permanenteng empleyado ay dapat na bayaran kada araw.
Kung ikaw ay isang empleyadong Muslim, nasa diskresyon ng iyong employer na magbigay ng allowance na katumbas ng 3,000 Rufiyaa (Three Thousand Maldivian Rufiyaa) bilang bonus sa panahon ng Ramadan at dapat itong ibigay bago magsimula ang Ramadan.
Kung ikaw ay walang natanggap na suweldo, allowances, o service charge, maaari kang magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng anumang tulong.
10. Mayroon bang mga ipinagbabawal na mga aksyon na nauugnay sa aking suweldo?
Oo. Hindi maaaring gawin ng employer ang mga sumusunod ukol sa iyong suweldo,
- Hilingin sa iyo na bayaran ang anumang suweldo na binayaran sa iyo; at
- Gumawa ng anumang bagay na maaaring magpapatunay ng isang direkta o hindi direktang balakid sa anumang benepisyo na makukuha mula sa iyong sahod, bayad o babayaran sa iyo o anumang bahagi ng naturang sahod; at
- Hilingin sa iyo na pumirma sa isang resibo na nakatanggap ka ng suweldo ngunit hindi naman.
- Gumawa ng anumang bagay na hadlang sa iyong kalayaan sa pagkilos kaugnay sa iyong suweldo.
Maaari kang magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ kung ang alinman sa nabanggit na ipinagbabawal na pagkilos ay ginawa ng iyong employer at o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng anumang tulong.
11. Kung nagtatrabaho ako sa labas ng normal na napagkasunduang mga oras ng pagtatrabaho o sa anumang pampublikong piyesta opisyal, may karapatan ba ako sa karagdagang bayad?
Oo, kung ikaw ay nagtrabaho ng higit sa napagkasunduang normal na oras ng pagtatrabaho o kapag pista opisyal, ikaw ay may karapatang tumanggap ng bayad na hindi bababa sa katumbas ng kalahati ng minimum na sahod sa isang normal na araw ng pagtatrabaho, bukod pa sa overtime.
Kung hindi mo natanggap ang nasabing bayad, maaari kang magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng anumang tulong.
Pagwawakas sa kontrata
12. Maaari ba akong matanggal ng walang makatuwirang dahilan?
Hindi. Ikaw ay maituturing na inalis sa iyong trabaho ng walang makatuwirang dahilan kung hindi kayang ipakita ng iyong employer ang naaangkop na dahilan para sa iyong pagkakaalis. Ang sanhi ng pagpapaalis ay dapat na nauugnay sa iyong pagkabigo na mapanatili ang tamang pag-uugali sa iyong trabaho at kawalan ng kakayahan na maisagawa ang iyong tungkulin at responsibilidad sa trabaho.
Maaari kang magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/dv/complain-form/ o magsampa ng kaso sa maling pagpapaalis sa Employment Tribunal . Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng anumang tulong.
13. Ano ang panahon ng paunawa bago ang pagpapaalis?
Kung ikaw ay naging empleyado ng higit sa;
- Anim na buwan ngunit mas mababa sa isang taon, maaari ka lamang matanggal pagkatapos ka bigyan ng hindi bababa sa dalawang linggong paunawa/abiso.
- Isang taon ngunit mas mababa sa limang taon, maaari ka lamang matanggal pagkatapos ka bigyan ng hindi bababa sa isang buwang paunawa/abiso.
- Limang taon, maaari ka lamang matanggal pagkatapos ka bigyan ng hindi bababa sa dalawang buwang paunawa/abiso.
Kung saan ang mga nabanggit na paunawa/abiso ay hindi naibigay bago ang iyong pagkakatanggal, maaari kang magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng anumang tulong.
14. Maaari ba akong tanggalin sa trabaho nang walang abiso?
Oo, maaari kang tanggalin o tapusin ang iyong kontrata nang walang abiso ngunit pagkatapos ka lamang mabayaran ng sahod at iba pang mga benepisyo sa panahon ng abiso.
Maaari ka ring tanggalin ng walang abiso sa panahon ng iyong probation period. Ang probation period ay hindi lalagpas sa tatlong buwan mula sa petsa ng ikaw ay nagsimulang magtrabaho. Sa panahong ito, maaari mo ring wakasan ang kasunduan sa trabaho nang walang abiso.
Kung hindi ka binayaran ng sahod at iba pang mga benepisyo para sa panahon ng paunawa/abiso, ikaw ay maaaring magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/. Ikaw ay maaari ring magsampa ng reklamo sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng tulong.
15. Maaari ba akong tanggalin sa trabaho dahil sa pagkalugi ng aking employer?
Kung ikaw ay natanggal sa trabaho dahil sa pagkalugi ng iyong employer, ang iyong kontrata ay magtatapos pagkatapos ng isang buwan. Kung ikaw ay nagpasyang mabawi ang anumang hindi bayad na sahod at iba pang mga dapat bayaran sa iyo sa pamamagitan ng Employment Tribunal, ikaw bilang isang dating empleyado ay bibigyan ng priyoridad kaysa sa ibang mga kinauutangan ng kumpanya.
Samakatuwid, magsampa agad ng reklamo sa Employment Tribunal at magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo tulong.
16. Kailangan ba akong bayaran kung naalis ako sa aking trabaho?
Oo, dapat bayaran ng iyong employer ang lahat ng mga dapat bayaran sa iyo sa loob ng pitong araw mula sa petsa ng iyong pagkakatanggal sa trabaho.
Kung hindi mo natanggap ang mga dapat na bayaran sa iyo, ikaw ay maaaring magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng tulong.
Diskriminasyon at Sapilitang Trabaho
17. Maaari bang magkaroon ng pagtatangi laban sa akin sa lugar ng aking trabaho?
Hindi maaaring magkaroon ng pagtatangi laban sa iyo batay sa iyong lahi, kulay, katayuan sa lipunan, relihiyon, paniniwala sa pulitika o pagkakaugnay sa anumang partidong pampulitika, kasarian, katayuan sa pag-aasawa, mga obligasyon sa pamilya, edad, o kapansanan.
Kung may diskriminasyon laban sa iyo batay sa mga nabanggit, ikaw ay maaaring magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng tulong.
18. Ako ay pinilit sa aking trabaho. Ano ang maaari kong gawin?
Ipinagbabawal ang paggamit ng banta ng parusa, hindi nararapat na impluwensiya, o pananakot para ikaw ay pilitin sa iyong trabaho.
Ikaw ay maaaring magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/. Ikaw ay maaari ring magsampa ng reklamo sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng tulong.
Oras ng trabaho
19. Ano ang normal na oras ng pagtatrabaho?
Walang empleyado ang dapat na magtrabaho ng mahigit sa apatnapu at walong (48) oras sa isang linggo at kailangang magtrabaho ng mahigit sa anim (6) na sunod sunod na araw sa isang linggo, ng walang ibinibigay na dalawampu’t apat (24) na sunod sunod na oras ng pahinga.
Kung ikaw ay nagtrabaho ng mahigit sa mga oras na nabanggit, ikaw ay maaaring magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng tulong.
20. May mga empleyado ba na maaaring magtrabaho ng mahigit sa napagkasunduang normal na oras ng pagtatrabaho?
Oo. Ang mga sumusunod ay maaaring magtrabaho ng mahigit sa napagkasunduang normal na oras ng pagtatrabaho:
- Mga taong nagtatrabaho sa mga sitwasyong pang-emergency
- Crew ng mga sasakyang dagat/sasakyang panghimpapawid
- Mga imam at iba pang empleyado sa mga mosque
- Ang mga taong on-call duty habang oras ng tungkulin
- Mga taong nasa posisyon ng pamamahala
Subalit, kailangang bayaran ng employer ang overtime. Kung ikaw ay kabilang sa anumang nabanggit na mga kategorya at hindi nakatanggap ng bayad sa overtime, ikaw ay maaaring magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng tulong.
21. Maaari ba akong tanggihan sa taunang bakasyon nang walang anumang makatuwirang dahilan?
Pagkatapos ng isang taon sa iyong trabaho, ikaw ay may karapatan sa tatlumpung araw (30) na taunang bakasyon na may bayad. Kung ikaw ay hindi nabigyan, ikaw ay maaaring magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng tulong.
Kasunduan sa Trabaho at Mga Tungkulin ng Employer
22. Kailangan ko bang magkaroon ng kasunduan sa trabaho sa aking employer?
Kailangang mayroong nakasulat na kasunduan sa pagtatrabaho sa pagitan mo at ng iyong employer. Dapat ay mayroon kang kopya ng kasunduan. Kung wala, hilingin sa iyong employer na bigyan ka ng isang kasunduan sa trabaho kung saan ikaw ay pipirma bilang pagsang-ayon.
Kung ang iyong employer ay tumangging magbigay sa iyo ng isang kasunduan sa trabaho, ikaw ay maaaring magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng tulong.
23. Kailangan ba akong bigyan ng deskripsyon ng aking trabaho?
Kung ang iyong normal na lingguhang oras ng pagtatrabaho ay lagpas sa labing anim (16) na oras o ang iyong termino sa trabaho ay lagpas sa anim (6) na linggo, dapat kang bigyan ng deskripsyon ng iyong trabaho (job description) ng iyong employer sa loob ng 1 buwan mula sa unang araw ng iyong trabaho
Kung ikaw ay hindi nabigyan nito, ikaw ay maaaring magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng tulong.
24. May pananagutan ba ang employer para sa kaligtasan ng mga empleyado habang nasa lugar ng trabaho?
Oo, dapat magpatupad ang employer ng mga hakbang para sa kaligtasan at proteksiyon ng mga empleyado sa lugar ng trabaho nang hindi naniningil ng anumang bayad mula sa mga empleyado.
Kung ang iyong employer ay hindi nagpapatupad ng mga naturang panukalang pangkaligtasan, ikaw ay maaaring magsampa ng reklamo sa Labor Relations Authority sa https://lra.gov.mv/submit-a-complaint-form/ o magsampa ng kaso sa Employment Tribunal. Makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mo ng tulong.